Editorials https://www.rappler.com/voices/editorials/ RAPPLER | Philippine & World News | Investigative Journalism | Data | Civic Engagement | Public Interest Thu, 14 Mar 2024 13:35:08 +0800 en-US hourly 1 https://www.altis-dxp.com/?v=6.3.2 https://www.rappler.com/tachyon/2022/11/cropped-Piano-Small.png?fit=32%2C32 Editorials https://www.rappler.com/voices/editorials/ 32 32 [EDITORIAL] Kalaban mo ang mga senador na protektor ni Quiboloy https://www.rappler.com/voices/editorials/senators-protecting-quiboloy-enemies-voters/ https://www.rappler.com/voices/editorials/senators-protecting-quiboloy-enemies-voters/#respond Mon, 11 Mar 2024 10:35:12 +0800 May malasakit sa mahihirap, makatarungan, tumutulong sa nangangailangan. Hindi corrupt, matuwid, mahabagin, nakaka-inspire. 

Ilan ito sa mga katangiang sinabi nating dapat taglayin ng mga pipiliin nating senador noong 2019 at 2022, ayon sa surveys. Noong 2019, kung kailan ibinoto natin sina Bong Go, Imee Marcos, at Cynthia Villar; noong 2022, nang ibinoto natin si Robin Padilla. 

Ang tanong tungkol sa apat na mambabatas: nakikita ba natin sa kanila ang mga katangiang ito? 

Nitong Marso 5, nagdesisyon si Senator Risa Hontiveros – ang tagapangulo ng committee on women, children, family relations, and gender equality – na i-hold in contempt ang pastor na si Apollo Quiboloy. Hiniling ni Hontiveros kay Senate President Migz Zubiri na ipag-utos ang pag-aresto sa pinuno ng Davao-based na Kingdom of Jesus Christ (KOJC). 

Ito ay matapos na isnabin ni Quiboloy nang ilang ulit ang imbitasyon, kalaunan ay subpoena, ng komite na humarap sa pagdinig tungkol sa mga umano’y pang-aabusong ginagawa niya at ng kanyang mga alipores sa KOJC at sa brodkaster nilang SMNI o Sonshine Media Network International. Sa madaling sabi, binastos niya ang institusyong halal ng taumbayan. 

Bakit nagpipilit si Hontiveros na makaharap at direktang matanong si Quiboloy? Dahil ambibigat ng mga paratang sa kanya ng mga dating miyembro at manggagawa niya: panggagahasa sa menor de edad, sexual abuse maging sa kalalakihan, trafficking o pangangalakal ng mga tao, pangingikil sa mga OFW, pang-aabuso at pagpapahirap sa mga empleyado, pag-aareglo ng mga pekeng kasal sa ibang bansa

Dahil anumang makakalap sa imbestigasyon ng Senado ay gagamitin sa pagbuo o pagrerebisa ng mga batas, kailangang mabuo ang kuwento, mapagtahi-tahi ang mga detalye, maunawaan ang mga kalagayan o pangyayaring nagbibigay-daan sa mga inilalarawang pang-aabuso. Ang layunin ay mapatibay ang ating mga batas upang maprotektahan at mapagsilbihan ang mamamayan – layunin na, di ba, dapat ay naiintindihan at sinusuportahan ng bawat senador? (BASAHIN: [OPINION] The Quiboloy contempt order: Legislative overreach or valid exercise of Senate power?)  

Bukod na usapin ito sa mga kasong kriminal na kinakaharap ni Quiboloy at mga alipores niya sa Amerika, kung saan nasa wanted list sila ng Federal Bureau of Investigation. Hindi rin ito nakadepende sa mga kasong isinampa ng Philippine Department of Justice (DOJ) laban sa kanila. Ibig sabihin, maaaring isulong, at dapat isulong, ang tatlong ito nang sabay-sabay. (BASAHIN: PRIMER: Investigations, cases against Apollo Quiboloy)

Balik tayo kina Padilla, Go, Marcos, at Villar. Pumirma sila sa isang sulat na kumokontra sa kapasiyahan ng committee chairperson. Ayaw nilang masabing binastos ni Quiboloy ang Senado; ayaw nilang maipaaresto ito para humarap sa pagdinig. Kahit na mismong si Pangulong Marcos ang nagpayong ilatag niya ang kanyang panig sa harap ng mga akusasyon; kahit na sinabi ng BFF niyang si dating pangulong Rodrigo Duterte na magpaaresto na lang siya. 

May pitong araw mula Marso 5 para mabaligtad ng mga sumusuporta kay Quiboloy ang kapasiyahan ni Hontiveros. Batay sa kalakaran sa Senado, kailangan ng boto ng mayorya ng mga miyembro ng komite para mangyari ito. Labing-apat ang miyembro; walo ang mayorya; apat pa ang kailangang makumbinsi ng pasimunong si Padilla para magtagumpay sila. 

Ilista natin ang pangalan ng mga kailangan nilang kumbinsihin: Nancy Binay, Pia Cayetano, Grace Poe, Raffy Tulfo, Joseph Victor Ejercito (pumirma pero umurong din), Mark Villar, Loren Legarda, Joel Villanueva, at Koko Pimentel.

Sila rin ang kailangan nating paalalahanan na tatandaan natin ang kanilang mga pangalan kapag muli silang tumakbo bilang senador o kumandidato para sa ibang posisyon. Ilaglag ang sinomang makikinig kay Padilla at pipirma. Dahil ang pagpirma para salagin ang imbestigasyon kay Quiboloy ay panlalaglag din sa ordinaryong mamamayan na dapat nilang ipinagsasanggalang. 

Sabi ni Padilla, kaibigan niya si Quiboloy, pinahiram siya nito ng helicopter nang nangangampanya. Sabi ni Cynthia Villar, kaibigan niya si Quiboloy, kaya mahirap paniwalaan ang mga ibinibintang sa kanya. Sabi ni Imee Marcos, ano raw ba ang mabubuong batas sa imbestigasyong ito na para sa kanya ay puro “kuwentuhan” lang. Si Bong Go, well, kung saang panig ang “amo” niyang si Duterte, doon siya. 

Kaya sorry na lang kay “Amanda,” na umano’y ni-rape ni Quiboloy noong kabataan niya, kasi kaibigan ng apat na senador si Quiboloy. Sorry na lang kay “Rene” na hinalay ng kalalakihang opisyales ng KOJC, kasi kaibigan ng mga senador si Quiboloy. Sorry na lang kay “David,” na pinagtrabahong walang suweldo sa SMNI, dahil kaibigan ng mga senador si Quiboloy. Sorry na lang kay Reinalyn, na bilang OFW ay pinuwersang ibigay sa KOJC ang 90% ng kanyang sahod sa ibang bansa sa halip na ipadala sa kanyang pamilya. 

Sorry na lang sa mga biktima ng mga akusadong nagtatago sa ngalan ng relihiyon at nakaaasa sa proteksiyon ng mga koneksiyon nila sa Senado. Sorry na lang na ang ilan sa ibinoto natin – na malaon ay hihingi na naman ng boto natin – ay wala palang malasakit sa mahihirap at inapi, isasantabi ang makatarungan, hindi tutulong sa nangangailangan, gagamitin ang puwesto para paboran ang kakilala, mangungunsinti ng kalikuan, walang habag sa naaapi, hindi nakaka-inspire. 

O baka naman mas malaking tao, at hindi talaga si Quiboloy, ang pinoprotektahan nila? 

Matapos aminin ni Quiboloy na nagtatago na siya, itinalaga niya si Duterte bilang administrador ng lahat ng ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ. 

Gaano kayaman ang religious group ni Quiboloy? Sabi ni Duterte mismo, niregaluhan siya ng kanyang kaibigan ng ilang lote at bahay, ilang magagarang sasakyan. At sabi nga ni Senator Padilla, nagpapahiram ng helicopter sa kampanya. Ayon din sa isang testigo, binigyan nito ng bulto-bultong armas ang mag-amang Duterte nang dumalaw sa bundok na pag-aari rin niya at kung nasaan ang kanyang mansiyon.    

Kaya kung sakaling ang Senate committee investigation ni Hontiveros, o ang mga kaso ng DOJ, o ang mga kaso sa US ay umabot sa pagsilip sa bank accounts at paghalughog sa mga ari-arian ni Quiboloy o ng KOJC, malamang na madamay din ang kayamanan ng “administrador” (baka beneficial owner?) na si Duterte. (Bilisan daw, sabi ni dating senador Leila de Lima, kung gagawin ito ng pamahalaan, dahil baka mailipat ang mga pera at titulo.)  

Lalo nang sorry sa “maliliit” na biktima na naglakas-loob tumestigo para sa pagsusulong ng mga batas na may pangil at mas makabuluhan. At least, daig nila sa tapang ang ilang senador na dapat sana’y kagalang-galang. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/senators-protecting-quiboloy-enemies-voters/feed/ 0 animated-quiboloy-kojc-senate https://www.rappler.com/tachyon/2024/03/animated-quiboloy-kojc-senate-carousel.jpg
[EDITORIAL] Hustisya sa Jemboy case: Tinimbang ka ngunit kulang https://www.rappler.com/voices/editorials/justice-jemboy-baltazar-case-comes-up-short/ https://www.rappler.com/voices/editorials/justice-jemboy-baltazar-case-comes-up-short/#respond Mon, 04 Mar 2024 14:12:39 +0800 Iyon lang po ba ang halaga ng buhay ng anak ko? ‘Yan ang tanong ng ina ni Jemboy Baltazar sa hatol na ibinaba sa anim na pulis na bumaril sa binatilyong anak niya.

Apat na taong kaparusahan para sa homicide ang pinakamabigat na naging verdict sa isang akusado. Ang lima ay laya na. 

Tinawag ni Senadora Risa Hontiveros ang hatol na “slap on the wrist.” Dagdag pa niya, “This does not assure the family or the public that there is no impunity.”

Sabi ng Rappler reporter na si Jairo Bolledo, nakabantay ang marami sa Jemboy verdict dahil isa ito sa pinakamalaking kaso ng police brutality. Maaari sana itong naging landmark case ng police brutality, isang signpost ng mas makatarungang pagpapatupad ng batas.

Pero hindi ito naging landmark case dahil tulad ng sinabi ni Senadora Hontiveros, hindi nito binabasag ang persepsiyon na may impunity sa bansa.

Nasayang ang pagkakataong iparating ang mensaheng seryoso ang ating justice system na burahin ang impunity sa bansa.

Nasayang ang pagkakataong sabihin sa maralitang tagalungsod na hindi kayo latak ng lipunan at pangangalagaan ng pamahalaan ang inyong karapatang pantao.

Nasayang ang pagkakataong sabihin sa mga magulang ni Jemboy na bagamat hindi maibabalik ang buhay niya, may sistemang magpapataw ng karampatang parusa sa mga pumatay sa kanya.

Nasayang ang pagkakataong sabihin sa napakaraming kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings o EJK, na, tingnan ninyo, may pag-asa pa dahil gumana ang hustisya.

Ang tanging mensahe ng Jemboy verdict ay ito: iwasan ‘nyo ang mga parak dahil kumakalabit muna sila ng gatilyo bago magtanong. 

Iwasan ninyo ang pulisya dahil kakampihan nila ang kanilang kabaro laban sa mga taong dapat ay kanilang pinaglilingkuran.

Iwasan ninyo ang mga pulis dahil palpak, inutil, at incompetent sila. At ‘yan ang pinakadelikado – ang incompetent na alagad ng batas na may baril.

Sa Jemboy case, muling tinimbang ang hustisya sa bansa at lumalabas na kulang na kulang ito. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/justice-jemboy-baltazar-case-comes-up-short/feed/ 0 animated-jemboy-baltazar-killing-verdict https://www.rappler.com/tachyon/2024/03/animated-jemboy-baltazar-killing-verdict-carousel.jpg
[EDITORIAL] Pikon ang NTF-ELCAC matapos mabuking ang fake surrender https://www.rappler.com/voices/editorials/ntf-elcac-retaliation-fake-surrender-exposed-jhed-tamano-jonila-castro/ https://www.rappler.com/voices/editorials/ntf-elcac-retaliation-fake-surrender-exposed-jhed-tamano-jonila-castro/#respond Mon, 26 Feb 2024 14:17:33 +0800 Ano’ng tawag sa tao o grupong nagsampa ng kaso matapos itong mabigong palabasin na sumurender ang dalawang aktibista? ‘Di ba, pikon?

Backgrounder: Inireport na missing sina Jhed Tamano at Jonila Castro noong Setyembre 2, 2023. Ang dalawa ay aktibo sa kampanya laban sa reclamation projects sa Bataan at naghahanda para sa isang relief operation nang sila’y damputin ng isang van. Tsinelas at sandals na lang ang naiwang bakas ng mga aktibista. Makalipas ang 13 araw, naglabas ng pahayag ang militar na “sumuko” raw ang dalawang aktibista at sila’y “safe and sound.”

Sabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, “Hindi sila in-abduct. Umalis sila sa kilusan.” 

Pero mabuti na lang at buo ang loob ng dalawang aktibista. Sa presscon na ipinatawag ng militar, matapang na idineklara ng mga dating estudyante ng Bulacan State University ang ginawa sa kanila: una, dinukot sila, at pangalawa, ipinapalabas na sumuko sila. (Salamat nga pala sa pag-o-organize ng presscon, mga ginoo!)

Sabi ni Lian Buan sa kanyang report, may lumilitaw na pattern ng “fake surrender” kung saan ang dinukot ay pinapag-execute ng affidavit na nagsasaad ng kanyang pagtatakwil sa kilusang kaliwa. Pagkatapos nito’y ginagamit siyang asset, o di kaya’y patatahimikin na lang nang malayo sa mga dating kasama sa pakikibaka. (BASAHIN: In pattern of ‘fake surrenders,’ 1 case links abduction to military intel service)

Sabi ni Tamano, “Hindi lang kami ‘yung mga nawawala.” Maraming dokumentadong kaso ng forced surrenders. Sina Armand Dayoha at Dyan Gumanao ay dinukot sa Cebu noong Enero 2023. Ang kaso nina Dayoha at Gumano, at Tamano at Castro ang ika-labintatlo at ika-labing-apat na forced surrenders sa bansa. Maituturing na “masuwerte” sila dahil nakabalik pa sila sa mundo nang buhay. Mula 1986, halos 2,000 aktibista na ang desaparecidos.

Last time we checked, ang abduction ay may karampatang parusang reclusion perpetua to death kapag tumagal ito nang higit sa limang araw. Hindi bababa sa 13 araw – at maaari pa ngang ituring na umabot nang 17 days – ang itinagal ng kidnapping ng dalawang kabataan.

Bakit patuloy ang impunity ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na magsagawa ng mga abduction? Bakit nagpapatuloy ang isang grupong binuo ni dating pangulong Rodrigo Duterte na maghasik ng lagim at magsagawa ng criminal acts – kahit nangako ang kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tatalima ang kanyang administrasyon sa rule of law?

Napapanahon nang i-abolish ang NTF-ELCAC, at isang United Nations rapporteur na mismo ang nagrekomenda nito.

Sabi ni UN Special Rapporteur on Freedom of Expression and Opinion Irene Khan, ang NTF-ELCAC daw ay “no longer applicable in the current context.”

Sa madaling salita, obsolete. Sa totoo lang, marami pang mas compelling na argumento kaysa diyan. Walang puwang sa gobyerno ang isang sangay na lantarang sumusuway sa batas. Walang puwang sa lipunan ang task force na ito maliban sa fentanyl-driven delusions ni Duterte. Walang puwang ang isang NTF-ELCAC sa panahon ni Marcos na nais ibalik ang Pilipinas sa mapa ng mga sibilisadong bansang walang dugong umaagos sa lansangan. 

Bigyan ng katarungan ang mga dinukot at desaparecidos – pero ang unang hakbang ay buwagin ang makinaryang patuloy na dumudukot sa mga aktibista. Itigil na ang kahibangan. 

Itigil na rin ang harassment lawsuits laban sa mga aktibista dahil ito’y napahiya at naglagay sa military “in a bad light” – ayon na rin sa sarili nitong pag-amin. Kudos na lang sa Commission on Human Rights na nag-iimbestiga sa kaso at nagbuo ng quick response operations sa kasagsagan ng pagkawala ng dalawa. Kudos sa Korte Suprema na mabilis na natantong nasa panganib ang mga laya nang aktibista at ginawaran sila ng dalawang writ para sa kanilang proteksiyon.

Ang kaso, narito naman ang Office of the Solicitor General na pinamumunuan ng dating Duterte justice secretary na si Menardo Guevarra. HIndi pa raw tapos ang laban at pinare-recall niya sa Korte Suprema ang temporary protection sa dalawa. Haaay, malakas talaga ang kapit ng Duterte network sa gobyerno!

Itigil na ang tirang pikon. Lalo lang nahuhubaran ang kainutilan at jurassic na pag-iisip ng NTF-ELCAC. Lalo lang lumilinaw na invested ang military sa pananatili ng imahe nito, pero hindi sa pagtatanggol ng karapatang-pantao. I-abolish na ang NTF-ELCAC. – Rappler 

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/ntf-elcac-retaliation-fake-surrender-exposed-jhed-tamano-jonila-castro/feed/ 0 animated-fake-surrenders-military https://www.rappler.com/tachyon/2024/02/animated-fake-surenders-military-carousel.jpg
[EDITORIAL] Juan Ponce Enrile: 100-year-old chameleon https://www.rappler.com/voices/editorials/juan-ponce-enrile-jpe-100-years-chameleon-transactional-politics/ https://www.rappler.com/voices/editorials/juan-ponce-enrile-jpe-100-years-chameleon-transactional-politics/#comments Mon, 19 Feb 2024 13:24:30 +0800 Gets na gets natin si Juan Ponce Enrile. Laking mahirap na kinonfront ang kanyang ama at nag-demand ng kanyang karapatan bilang anak (sa labas). Matalas at tunay ang mga diploma at parangal mula sa Ateneo, University of the Philippines, at Harvard. “Rockstar” siya ng Corona impeachment. (PANOORIN: 100 years of Juan Ponce Enrile)

At tila naging peacemaker at unifier siya ng magkatunggaling Marcos at Duterte camps nang dumalo sa kanyang birthday bash ang mga paksyon ng naghaharing-uri.

Mula trusted defense chief ni Ferdinand E. Marcos, ngayo’y siya ang chief presidential legal counsel ng anak ni Makoy na si Ferdinand Marcos Jr. – kahit pa susi siya sa pagbagsak ni Marcos noong 1986 EDSA People Power Revolution.

Let bygones be bygones – ang pagkalimot ang walang sing-epektibong elixir of youth ni Enrile. (Maliban daw sa stem cell?)

He not only reinvented himself more times than Madonna, he also retold – revised – history at his own convenience. 

Understatement na sabihing isa siyang political butterfly. Kahit si Donald Trump, ang Amerikanong ex-president na may talento sa pag-re-resurrect ng kanyang political career, hindi tumatawid ng party lines tulad ni JPE. 

Hindi siya nagdarasal sa altar ng transactional politics, isa siya sa mga diyos doon.

Halimbawa, keber lang na noong panahon ni Benigno Aquino III ay sinuportahan niya ang pagtindig ni PNoy laban sa mga Tsino, habang noong 2021, all-out naman ang suporta niya sa pro-China policy ni Digong. Hindi lang ito agility sa changing times; hindi johnny-come-lately si JPE, siya ‘yung kapag pumasok sa kuwarto, laging nakakasa ang mga baril.

Napakarami ng superlatives na nakadikit sa pangalan ni JPE kaya baka akala ninyo grudging respect para kay Manong Johnny ang tema ng editoryal na ito. Hindi.

Kapag tinitingnan ba ng ordinaryong tao si Manong Johnny, ano ang nakikita nila? Isang power-broker, dissembler, at consummate wheeler-dealer? O isang gentleman, statesman, at legal luminary?

Testament sa gullibility natin bilang isang bansa na pinayagan nating mamayagpag, manatili, mag-reinvent, at muling mag-reinvent ang isang Juan Ponce Enrile. 

Sabi nga ni Milan Kundera, “The struggle of man against power is the struggle of memory against forgetting.” Pero lagi tayong talo ni JPE dahil may situational amnesia tayo.

Tuwing mag-me-metamorphosize si Manong Johnny, bumebenta pa rin ang pagpapalit-anyo ng hunyangong ito. Dahil siguro nasisindak niya tayo, o nadadala tayo sa kanyang charisma, o simpleng walang gulugod ang mga pulitikong ibinoboto natin, mabibilang sa 10 daliri ang nagtatangkang banggain ang modern-day Rasputin na ito.

Marami tayong nililimot tungkol kay JPE. Nakakalimutan ng marami na kasama sa Rogue’s Gallery ng mga human rights violators ang Martial Law implementor na ito, katabi ang matandang Marcos at Duterte. Siya ang pamantayang ‘di kailanman mapapantayan ni Bato dela Rosa – sa tindig at talas.

May isa namang bagay na consistent si JPE – loyalty is not a virtue to him. At kung hindi man siya loyal sa sinuman, pinaligiran niya ang sarili ng mga taong loyal sa kanya. Sa gitna ng mga akusasyon ng pag-e-endorso ng bogus NGOs kapalit ng suhol sa pork barrel scam, isang Gigi Reyes ang sumalo ng mga umano’y kasalanan. (BASAHIN: ‘The Boss’ and Gigi Reyes)

Sadly, relevant pa rin si JPE – dahil siya ang walking symbol ng bulok na pulitika sa bansa. Siya ang epitome ng predatory at manipulative politics natin. Kinakatawan niya ang high power index sa bansa kung saan ang katumpakan ng sinasabi mo’y dumedepende sa kapangyarihan mo. 

Relevant pa rin si JPE matapos ang isang siglo. Because in the Philippines, politicians dream they’d grow up to be like Manong Johnny. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/juan-ponce-enrile-jpe-100-years-chameleon-transactional-politics/feed/ 1 animated-juan-ponce-enrile-100-animation https://www.rappler.com/tachyon/2024/02/animated-juan-ponce-enrile-100-carousel.jpg
[EDITORIAL] Ang break-up Valentines ni Sara at Marcos https://www.rappler.com/voices/editorials/valentines-break-up-sara-duterte-marcos-jr-tandem/ https://www.rappler.com/voices/editorials/valentines-break-up-sara-duterte-marcos-jr-tandem/#respond Mon, 12 Feb 2024 15:06:13 +0800 Walang Happy Valentines sa pagitan ng dating magkatandem na si Bise Presidente Sara Duterte at Presidente Ferdinand Marcos Jr. Sa katunayan, isang mapait na break-up ang nag-a-unfold, at balot ito ng tampuhan, sumbatan, at sama ng loob. May isnaban pa ng mga ladies involved!

Walang sumipot na Duterte sa event ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Davao maliban sa talagang obligadong pumunta – si Bise Presidente Duterte.

Kapansin-pansin na wala ang mayor ng local government na ginanapan ng apat na event. Kung sa ibang bahagi ito ng Pilipinas, magkakandarapa ang mayor mag-asikaso sa Presidente. Well, hindi pala ganoon sa Kingdom of Davao. Sabi nga source ng Rappler, imbitado raw si Davao Mayor Baste Duterte, kapatid ni Sara, sa event ng Department of Tourism, pero nag-decline si Baste at hindi nagbigay ng dahilan. Ang taray, ‘di ba?

Nauna nang nanawagan si Baste na mag-resign si Marcos, kung wala naman daw itong pagmamahal sa bayan. Ang tatay niyang si Rodrigo Duterte, sinabing minsan daw ay nasa drug list si Marcos noong panahon niya, na kinontra naman ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency. Halos wala namang kumurap nang sabihin ito ni Digong dahil notoryus naman ang dating presidente sa pagna-narco-tag.

Kinabukasan, rumesbak naman si Marcos, at sinabing ang patuloy na paggamit ni Duterte ng fentanyl ang sigurong dahilan bakit kung ano-ano na lang ang sinasabi ng predecessor niya sa publiko. In other words, nasa fentanyl-induced alternative reality daw si Digong.

Marami nang senyales bago ang trip sa Davao ni Marcos na may divorce na nagaganap sa mga pinakamataas na pinuno ng bansa. Noong January 29, nagbanggaan ang rally ng dalawang pamilyang dating magsing-irog sa pulitika. Ang Bagong Pilipinas rally ni Marcos sa Maynila, may katapat na anti-charter change prayer rally sa Davao.

Bago ito, ibinasura ng Marcos-controlled Congress ang request ni Sara Duterte para sa confidential funds. Pero ang clincher, sinabi ni Marcos mismo na posibleng sumali muli ang Pilipinas sa International Criminal Court.

Saan nanggaling ang hugot ni Baste na kung walang pagmamahal sa Inang Bayan si Marcos ay mag-resign na lang? Balitang-balita kasing nakapasok sa bansa ang mga tao ng International Criminal Court na naglalayong imbestigahan ang extrajudicial killings na naging centerpiece policy ng nakaraang Duterte administration. Tahasan pa ngang nanumbat si Baste na ama niya ang nagbigay ng hero’s burial sa ama ni Marcos na si Ferdinand. O di ba, the plot thickens?

At mayroon pang isyung nakapitan ang mga Duterte na parang salbabida: ang Cha-Cha o charter change.

Biglang naging staunch defenders of the Constitution bigla ang mga Duterte, sampu ng mga kaalyado nitong tulad ni Davao Congressman Pantaleon Alvarez. (Hindi na out of the kulambo si Alvarez sa mga Duterte, take note.) Tinawag nga ito ng mga reporter ng Rappler na “desperate tactics.”

Pero sa lahat ng iringang ito, siyempre nag-overboard si Digong at nagpasabog na naman ng bagong pakulo: ang Mindanao independence.

Sa kasaysayan ng Mindanao, isa sa pinakamatingkad na yugto ang secessionist movement. Humantong ang social and cultural inequities laban sa mga Moro sa Mindanao sa pagnanais nilang magsarili ng kasarinlan. At sa katunayan, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay bunga ng mahabang proseso ng pagtutuwid ng mga di pagkakapantay-pantay na ito.

Pero eto si Dutete, hina-hijack ang nabuong kapayapaan at otonomiya at pinapauso na naman ang secession. Pero wala namang pumatol sa obvious na obvious na personal niyang political play.

Sabi nga ni Camiguin Governor XJ Romualdo, puwedeng singilin si Duterte at Alvarez (na inatasan ni Duterte na mamuno sa “movement”) dahil may elemento na raw ito ng sedition. (Sinagot ito ni Alvarez sa isang panel dscussion sa Rappler at sinabing wala namang violence na sangkap.)

Masaya tayong nanonood sa bangayan – pero kung pag-iisipan natin, maraming trabaho ang dalawang pinuno na malamang ay nasa-sideline sa iringang ito. Hindi na nga expert sa education si Sara na may hawak ng education portfolio, madi-distract pa. Aba’y hindi biro ang learning poverty sa bansa – dahil saan tayo pupulutin kung napag-iwanan sa buong mundo ang mga Pilipinong produkto ng Philippine education? Ano ang kongkretong hakbang na ginagawa mo, Education Secretary Duterte, para baliktarin ito, maliban sa pagtanggal ng mga nakapaskil sa pader ng mga silid-aralan?

Eto namang si Marcos, maliban sa jet lagging dahil sa dami ng biyahe, kailan pa kaya siya makahahanap ng oras na upuan ang maraming problema ng bansa? Nag-improve nga ang inflation numbers pero hindi naman bumaba ang aktuwal na presyo ng mga bilihin, nag-stabilize lang.

At sa totoo lang, nasanay na lang tayo na ganito lang kakaunti ang nabibili ng kinikita natin. Mula nang naupo si Junior, malaki ang iniurong ng purchasing power ng mga Pilipino. Lagi na lang bang mamamaluktot dahil maikli ang kumot? 

Masaya ang fireworks, pero kung susuriin, agawan ng kapangyarihan ito ng dalawang pinakamakapangyarihang dynasty. Iisa lang ang nasa crosshairs nila: ang pagpapalawig sa kapangyarihan.

Sabi nga ng dating adviser to the peace process na si Ging Deles, marupok talaga ang transactional political alliances.

Hindi natatapos ang ambisyon ng mga Marcos sa pagpanalo sa 2022 elections at pag-re-rehabilitate ng pangalang Marcos sa internasyonal na entablado.

Kailangan nilang tiyaking friendly govenrment ang susunod na mauupo, kaya’t mahalagang ma-i-set up ang isa pang miyembro ng clan bilang susunod na pinuno – at ayon sa mga analyst, ito raw ang pinsan ni Marcos na si House Speaker Martin Romualdez. Unfortunately, hindi charismatic at winnable si Ginoong Romualdez sa masa, lalo na laban kay Sara. Kaya kailangang mag-Cha-Cha at mag-parliamentary system of government. (BASAHIN: Marcos’ disengagement from Duterte sets stage for 2025 showdown)

Pero hindi nangangahulugang hindi duserv ni Duterte na mapanagot sa mga krimen ng drug war. Huwag nating kalimutan ang tinatantiyang 27,000 na namatay sa karumal-dumal na drug war mula 2016-2022.

Habang divorce is in the air (at dini-dribble sa Lower House ang divorce bill), grab your popcorn dahil lalong umiinit pa ang divorce teleserye in town. Pero huwag kalilimutang ‘pag nag-uupakan ang mga Titans, tayong mga ordinaryong tao ang malamang matatapakan. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/valentines-break-up-sara-duterte-marcos-jr-tandem/feed/ 0 animated-2024-valentines-day-political-divorce https://www.rappler.com/tachyon/2024/02/animated-2024-valentines-day-political-divorce-carousel.jpg
[EDITORIAL] Dapat makinig si Marcos kay UN special rapporteur Irene Khan https://www.rappler.com/voices/editorials/why-ferdinand-marcos-jr-should-listen-united-nations-special-rapporteur-irene-khan/ https://www.rappler.com/voices/editorials/why-ferdinand-marcos-jr-should-listen-united-nations-special-rapporteur-irene-khan/#comments Mon, 05 Feb 2024 12:58:42 +0800 Kinabahan ba ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ngayong mismong si United Nation Special Rapporteur on freedom of expression and opinion Irene Khan ang nagrekomendang mabuwag ito? 

Hindi naman ito ang unang beses na may nagrekomendang lusawin na ang NTF-ELCAC, pero pumunta si Khan sa bansa sa imbitasyon ng gobyerno ng Pilipinas. Iba na ang ihip ng hangin ngayon. Minana lamang ni Ferdinand Marcos Jr. ang task force mula sa administrasyong Duterte at tila pati sakit ng ulo na dala nito ay sinalo rin niya. Matutuwa ba siya sa task force na, una, binuo ng hindi niya masyadong paboritong political clan – ang mga Duterte, at pangalawa, sagabal sa international ambitions niya?

Ambisyon ni Marcos na maging miyembro ang Pilipinas ng prestihiyosong UN Security Council at mamuno tayo sa UN Commission on the Status of Women. Paano niya gagawin ito kung hindi pa naa-address ng Pilipinas ang tinatawag ni Khan na “grave and deep-seated human rights problems?” (PANOORIN: UN Special Rapporteur Irene Khan in conversation with PH media)

Sa madaling salita, papaano makakaupo sa la mesa ng mga adults sa UN si Marcos kung hindi pa siya toilet-trained?

Mga heneral ng NTF-ELCAC – na tila walang nakikita sa mundo kundi pula ng komunismo – mukhang hindi na kayo politically expedient sa nakaupo sa trono sa Malacañang.

Mula golden boys noong panahon ni Digong, tila kayo na ang ikinahihiyang tiyuhin na ayaw imbitahan sa mga reunion dahil medyo mahilig magkalat. Ang jologs nga naman ng red-tagging, di ba Ginoong Marcos? Walang sophistication, hindi pang-New York. It’s so 1940’s. At hindi kailanman in fashion ang retro sa international stage.

Pero seriously, kung gusto ng Pilipinas maging world leader sa usapin ng kababaihan at maupo sa security council, hindi sapat ang lip service. Hindi sapat ang magpalaya ng senadorang dapat naman talagang lumaya.

Ang pagbubuwag ng NTFL-ELCAC ay magiging napakagandang senyales na ikaw ay walking the talk, Ginoong Marcos. Ang paglalabas ng executive order laban sa red-tagging ay indisputable proof na sibilisado na muli ang gobyerno ng Pilipinas. Ibigay na natin kay McCarthy ang ignonimity ng witch hunting sa kasaysayan, at sana’y hindi na madawit sa isyu na ‘yan ang pangalan mo. So uncool.

Sabi nga ni Khan, mayroong “veil of denialism at one level but at one level they’re perfectly aware of what’s happening.” 

Dagdag pa ng rapporteur, “The signs are good, it’s like the sun rising in the morning, but it’s the rest of the day that will count, as to whether it will be sunny or rainy.”

Ginoong Marcos, alam mo ‘yan, at kung mayroon kang namana sa iyong ama, ito sana ang political will. Nakikita natin ‘yan ngayon sa pakikitungo mo sa Tsina. Nasimulan mo na, dapat mong tapusin. Dapat nang ipadala sa psychiatrist’s office ang mga rabid red-taggers ng NTF-ELCAC, hindi sa mga policy-making corridors ng bansa. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/why-ferdinand-marcos-jr-should-listen-united-nations-special-rapporteur-irene-khan/feed/ 1 animated-un-marcos-human-rights-elcac https://www.rappler.com/tachyon/2024/02/animated-un-marcos-human-rights-elcac-carousel.jpg
[EDITORIAL] SMNI, karma daw ang tawag diyan https://www.rappler.com/voices/editorials/smni-karma-suspension-radio-tv-mtrcb/ https://www.rappler.com/voices/editorials/smni-karma-suspension-radio-tv-mtrcb/#respond Mon, 29 Jan 2024 13:02:37 +0800 Sabi nga, weather-weather lang. Ang dating untouchable na Sonshine Media Network International, ngayo’y suspendido indefinitely ang operasyon ng radyo at telebisyon.

Ito ang istasyong pag-aari ng wanted doomsday preacher na si Apollo Quiboloy. Siya ang kumpare ni Rodrigo Duterte at tumayong kingmaker ng mga politikong naghahabol ng media mileage at sumisipsip sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ lalo na kapag may eleksiyon.

Sa big picture, ang suspension ng SMNI ay bahagi ng banggaan ng dalawang naghaharing political centers sa bansa – Marcos vs Duterte. Hindi aandar ang ganitong reklamo kung bati-bati pa rin ang dating mag-running mate.

Pero hindi nangangahulugang walang merito ang hatol ng MTRCB. At lalong hindi ito kaso ng sinasabi ni Harry Roque na pagkitil sa press freedom. 

Sa dalawang episodes ng programa ni dating presidenteng Rodrigo Duterte na Gikan Sa Masa, Para Sa Masa, pinagbantaan ang buhay ni ACT Teachers Representative France Castro. Nagkalat naman umano ng disinpormasyon tungkol sa travel spending ni Speaker Martin Romualdez ang programa nina Jeffrey “Ka Eric” Celiz at Lorraine Badoy na Laban Kasama ng Bayan

Dati nang red-tagger at disinformation peddler si Celiz at Badoy – nagkataon lamang na ang nasaling nila ngayon ay ang makapangyarihang House Speaker. 

At pagbantaan ang buhay ng isang lawmaker? This is typical Duterte, pero ‘di ‘ata niya gets na hindi na siya presidente. At kahit na na-dismiss ang sumbong laban kay Digong, mas magandang blowback pa rin ang matanggalan siya ng entablado.

Sa katunayan, tumutulong ang sanctions ng MTRCB laban sa SMNI na linawing hindi excuse ang press freedom para mang-alipusta, magbanta sa buhay, at magkalat ng kasinungalingan.

Ang freedom of the press ay karapatang maglathala/umere ng mga mamamahayag nang walang restriksiyon o kontrol mula sa gobyerno habang tumatalima sa rule of law. Emphasis sa “tumatalima sa rule of law.” 

Bigla bang natauhan ang MTRCB at naglakas-loob ipagtanggol ang mabuting asal at katotohanan sa ere? Hindi. Nagbago lang ang ihip ng hangin sa pulitika. Hindi ba’t nanahimik naman ito sa mahabang panahong nagpapakalat ang mga host ng SMNI ng kasinungalingan at walang prenong pang-re-redtag? 

Nagkataon na umiikot ang gulong ng palad upang madehado nang kaunti ang radyo at TV station na umaastang mainstream media pero sa katunayan ay isa lamang propaganda mouthpiece. 

Sana naman, namnamin ng mga opisyal ng MTRCB ang pakiramdam ng pagtaguyod ng tama at wasto – at balikan nila ang tunay na mission at vision ng board: ang tiyaking ligtas ang mga palabas para sa publiko.

Ayon sa isang survey ng Social Weather Stations noong 2022, 51% o higit sa kalahati ang hindi nakakikilatis ng fake news. Kaya’t dapat mag-level-up ang MTRCB sa age of disinformation: maaari itong manguna sa paglilinis ng mga radyo at telebisyon laban sa disinpormasyon at kasinungalingan. Maaari nitong tiyakin na safe space ang airwaves para sa mga Pilipino lalo na ang kabataan.

Sa madaling salita, maaari itong maging agent of change sa industriya ng radyo at telebisyon na panay nang sinasalakay at ginagamit upang kontrolin ang hearts and minds ng mga tagapanood at tagapakinig.

Sana’y gawing politics-proof ng MTRCB ang mga regulasyon nito, nang sa ganoon ay kahit na sino ang ma-appoint ay hindi mawe-weaponize o matatameme ang board. Ito lang ang tanging landas upang manatiling relevant ang isang censorship board.

Kaya ito lang ang masasabi namin sa reversal of fortunes ng SMNI, ang istasyon ng “anak ng Diyos,” ang media arm ng simbahan na naging behikula umano ng human trafficking at sexual abuse ng mga miyembro nito. Sabi nga ng mga Millennial at Gen Z: “Karma’s a bitch.” – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/smni-karma-suspension-radio-tv-mtrcb/feed/ 0 animated-smni-suspension https://www.rappler.com/tachyon/2024/01/animated-smni-suspension-carousel.jpg
[EDITORIAL] Justice, Philippine style: Acquitted sa plunder, pero may kabig naman https://www.rappler.com/voices/editorials/justice-philippine-style-jinggoy-estrada-acquitted-plunder-guilty-bribery/ https://www.rappler.com/voices/editorials/justice-philippine-style-jinggoy-estrada-acquitted-plunder-guilty-bribery/#respond Mon, 22 Jan 2024 14:18:56 +0800 Wala na sigurong nagulat na na-acquit si Senador Jinggoy Estrada sa plunder sa pork barrel scam. Nauna nang napawalang-sala ang mga katoto niyang si dating Senate president Juan Ponce Enrile at Senador Bong Revilla.

Ano ba ang pork barrel scam na minastermind umano ni pork barrel queen Janet Napoles? Ito ang raket ni Napoles na gumagawa ng mga bogus non-governmental organizations na tumatanggap ng pondo mula sa mga lehislador. Kapalit ng kick-back, ineendorso ng mga mambabatas na mai-release ang kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF sa mga pekeng NGOs na ito. Tumataginting na P2.1 bilyon ang halagang umano’y kinulimbat ni Napoles sa gobyerno, at sangkot sa ilang transaksiyon dito ang tatlong prominenteng senador. 

Ang tanging napanagot sa hustisya ay ang kanilang mga staff. Ang lumalabas na script ay, ang mga staff ang tunay na operator sa mga anomalyang ito, at ganoon sila katuso kaya hindi umano alam ng kanilang matitinik na boss ang pinaggagagawa nila. 

Andiyan si Richard Cambre, na chief of staff ni Revilla. Namatay siya sa stroke sa Bilibid matapos mahatulang guilty ng plunder samantalang laya ang amo. Andiyan din si Gigi Reyes, na close aide ni Enrile. Siyam na taon siya sa kulungan bago napalaya noong Enero 2023 sa bisa ng writ of habeas corpus.

Ngayon, muling pinag-uusapan si Pauline Labayen, na hindi nga COS kundi isang appointments secretary lamang ni Jinggoy. Ayon sa korte, ang “veritable co-conspirators” ay sina Labayen at Napoles.

Pero hindi naman si Labayen at Cambre ang ka-party – at kaparte – ni Napoles. 

Sa katunayan, suki ang tatlong senador sa mga NGO ni Napoles – at ‘yan ang kuwentong lumilitaw sa isang state audit: laging kasama ang tatlo hanggang walong NGO ni Napoles sa alokasyon ng tatlong senador mula 2007 hanggang 2009.

Maari mong sabihin, “Aba’y hindi naman ganap na napawalang-sala si Jinggoy – di ba’t guilty naman siya ng direct at indirect bribery?” 

Dahil puwede pa itong iapela, sabi nga ni Randy David, puwedeng patagalin sa korte ang kaso hanggang humupa ang interes ng taumbayan. Samantala, puwede silang magpatuloy sa public office (sa kaso ni Jinggoy, sinabi na ni Senate President Migz Zubiri na mauupo siya hanggang hindi pa pinal ang conviction.) At puwede pa siyang muling kumandidato at, ayon pa rin kay David, puwedeng “mag-claim ng popular vindication.”

Cut from the same cloth ba si Jinggoy, na anak ni dating presidente Joseph Estrada, na na-impeach dahil sa jueteng at paggamit ng pekeng pangalang Jose Velarde sa bank accounts?

Bottom line, isang senador ang hinatulang tumanggap ng suhol. Hindi pa ba ’yan sapat upang huwag na siya paupuin sa puwesto, Senador Migz? Hindi ba dapat preventive ang approach ng Senado sa isang miyembro na nagdala ng kahihiyan, at hindi pasado sa pamantayan ng mabuting asal? 

Pero ‘yan ang Senado – klasikong ehemplo ng old boys club. Noong si Leila de Lima ang nakulong, kahit hindi pa nahahatulan, hindi siya pinayagang mag-participate man lang online sa mga session. Samantala, ang isang convicted senator ay puwedeng-puwedeng maupo hanggang hindi hinatulan ng Korte Suprema!

Ang pinakamasaklap kapag isinuma ang mga kaso nina Estrada, Revilla, at Enrile, lumilitaw ang higanteng kabiguan ng sistema ng hustisyang bigyan ng karampatang kaparusahan ang mga makapangyarihang tao. 

Si Napoles, makakalaboso nang 100 taon – siya ang notorious ang pangalan sa media at sa kasaysayan at tumabo ng kalakhan ng parusa (at nararapat lang). (BASAHIN: Napoles kin own P400M US properties)

Siya ang na-demonize nang todo-todo. Siya ang queen at poster girl. Pero hindi siya inihalal ng taumbayan. Hindi siya nauupo sa ipinagpipitagang bulwagan ng Nakatataas na Kapulungan. Hindi siya ang enabler. Hindi siya ang nag-abot ng susi sa kaban ng bayan.

At hindi ito isolated incident. Noong 2013, sinabi ng chief auditor ng Comission on Audit na si Grace Pulido-Tan na nasa P6 bilyon ang kabuuang halaga ng PDAF ang ”misused.” Ganyan kalaki ang nawala sa kaban ng bayan sa tatlong taon lamang sa ilalim ni dating pangulong Gloria Arroyo.

Fact of life na talaga ang korupsiyon sa Pilipinas. Ayon sa mga eksperto, andiyan pa rin ang pork barrel, iba nga lang ang tawag at ruta ng pagnanakaw.

Alam ng lahat ng negosyanteng nakikipag-deal sa gobyerno na kickback ang necessary evil sa buhay nila. Ayon sa mga estimate, 46-48% ng alokasyon ng mga proyekto ang napupunta sa korupsiyon, at nauuwi tayo sa substandard na mga imprastuktura at serbisyo.

Kaya’t huwag mag-zero in sa bribery conviction ni Jinggoy. Mag-zero in sa acquittal niya sa plunder. Mag-zero in sa 46-48% na ninanakaw ng mga inihalal bilang matter of course – dahil nasa Pilipinas sila. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/justice-philippine-style-jinggoy-estrada-acquitted-plunder-guilty-bribery/feed/ 0 animated-jinggoy-estrada-acquittal- https://www.rappler.com/tachyon/2024/01/animated-jinggoy-estrada-acquittal-carousel.jpg
[EDITORIAL] Cha-Cha-pwera! https://www.rappler.com/voices/editorials/no-to-charter-change-cha-cha/ https://www.rappler.com/voices/editorials/no-to-charter-change-cha-cha/#comments Mon, 15 Jan 2024 14:14:53 +0800 Ang lakas ng dating ng isang charter change ad hindi dahil sa Cha-Cha ambition nito kundi dahil sa pang-o-okray nito sa pamana ng EDSA People Power Revolution.

Sa unang kilatis, nakapagtataka kung bakit sa opening move pa lang, ini-echapuwera na ng nagkomisyon ng ad ang mga Pilipinong nag-a-identify sa pamana ng EDSA at ni Ninoy at Cory Aquino – in other words, ang mga “yellows” at “pinks”.

Pero kung ang layunin ay pagbuklurin ang pro-Marcos at pro-Duterte camps, it makes sense, ‘di ba? Sa harap ng napakapublikong alitan ng mga kampong Marcos at Duterte, nais ng ad na pagtibayin ang basis of unity ng dalawang panig at ‘yan ay ang common antipathy nila sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa EDSA People Power Revolution. Sa simpleng math, gusto nilang i-preserve ang 31.6 million na bumoto kay President Ferdinand Marcos Jr. at sa bise niya na si Sara Duterte. Kahit ang presyo niyan ay ang pag-e-alienate sa 15 million na bumoto kay Leni Robredo.

Ano’t ano man ang political agenda ng ad, dapat itong i-expose dahil sa disinformation at historical revisionism nito – nilalako ng ad ang simplistic na pananaw na kasalanan ng EDSA at ng 1987 Constitution ang masalimuot na mga problema ng pagkabansot ng ekonomiya, kawalan ng agricultural reform, education poverty, at ‘di pagkakapantay-pantay.

Inamin ng PIRMA, ang grupong nasa likod ng ad, na nakikipag-ugnayan ito sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang mismong Lower House sa ilalim ni Speaker Martin Romualdez ang nagtutulak ngayon ng impossible dream sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Ang inisyatibong iyan ay kinondena ni Albay Congressman Edcel Lagman na nagsabing binibigyan ng P100 ang mga constituents niya para pumirma sa People’s Initiative. Gumagalaw na raw ang mga coordinator at minomobilize ang mga mayor.

Hindi perpekto ang Konstitusyon na isinilang matapos ang mahabang panahon ng Martial Law at US dominance sa pulitika at ekonomiya. Hindi ba mabuting hakbang na tapusin ang protectionism ng Konstitusyon at gawing responsive sa modernong situwasyon ang economic provisions nito? Ayon sa mga ekspertong nakausap ng Rappler, hindi ito ang tamang panahon. (BASAHIN. EXPLAINER: Is time ripe for economic charter change given the country’s woes?)

Tinatawag na trojan horse ang hakbang ng pagrerebisa ng mga economic provisions nito na nagbabawal ng foreign ownership sa lupa, dahil kapag binuksan mo ang Konstitusyon sa rebisyon, maaari mo ring pakialaman lahat ng ibang probisyon nito tulad ng bicameral system (na isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na may gusto ng federal unicameral system), lalo na ang term limits sa elected officials. 

At ‘yan ang buod ng usapin, lahat sila, walang naririnig kundi ang tawag ng pagpapalawig sa kapangyarihan.

Mukhang matagal nang pinapakuluan ang putahe, dahil nagulat na lang ang Commission on Elections nang nakatanggap ito ng 14.2 bilyong budget para sa plebesito, samantalang ang hiningi lamang nito ay P2.5 bilyon. Bali-balitang tinatarget ng Kamara ang plebescite bago mag-State of the Nation Address sa Hulyo. 

Magtatagumpay ba si Marcos, na tila nagbago na ng tono sa Cha-Cha? Ito’y sa kabila ng mahabang listahan ng mga presidenteng nabigo sa Cha-Cha – maliban pa kay Duterte – andiyan si Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Benigno Aquino III. 

Nabuhayan siguro ng loob sina Romualdez dahil sa Pulse Asia survey na nagsasabing 41% ng mga Pilipino ang pabor sa Cha-Cha. Sabi ni Senadora Imee Marcos, “ang kulit naman,” sa mga nagsasabing pabor ang Pangulo sa charter change.

Sa mga nag-aaksaya ng pera ng bayan at oras ng Kamara: ang daming problema sa bansa na abot-kamay ni Marcos lutasin nang walang Cha-Cha kung may tiyaga lang siya. Andiyan ang taas ng bilihin dahil sa makalumang sistema ng agrikultura, ang education poverty ng mga kabataan, ang korupsiyon sa burukrasya, unemployment, at usad pagong na poverty alleviation. Huwag ding kalimutan ang trapiko na nagbubunsod ng economic losses araw-araw.

Isa rin lang ang masasabi namin, “Ang kulit naman.” – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/no-to-charter-change-cha-cha/feed/ 1 animated-2024-chacha-propaganda https://www.rappler.com/tachyon/2024/01/animated-2024-chacha-propaganda-carousel.jpg
[EDITORIAL] Manigong Bagong Taon? Puwede na ang ‘masayang’ bagong taon https://www.rappler.com/voices/editorials/recap-2023-highs-lows-forecasts-new-year-2024/ https://www.rappler.com/voices/editorials/recap-2023-highs-lows-forecasts-new-year-2024/#respond Mon, 08 Jan 2024 18:36:43 +0800 Tila mahirap alalahanin ang mga “good news” nitong 2023 sa harap ng nakalululang “bad news” ng nakaraang taon: headlining 2023 ay ang mga giyera sa Ukraine at Gaza. Ngayon, ang usapin ay nakatutok na sa pagpigil sa pagkalat ng giyera sa Middle East, habang ang mga taga-Ukraine ay naghihinagpis na nawala na sa kanila ang atensiyon ng mundo.

Maraming prediksiyon na nakanginginig, kasama na ang isang “super El Niño” na huwag naman po sana magdala ng sakuna at gutom. Pero ang pinakanagpapakaba sa maraming nagmamahal sa kalayaan ay ang patuloy na pag-urong ng demokrasya sa buong mundo – at susi diyan ang hindi bababa sa 50 – opo, five-zero – na eleksiyong magaganap sa 2024, kasama na ang Estado Unidos, Indonesia, at Taiwan.

Ano man ang kalalabasan ng mga eleksiyong ito, apektado ang Pilipinas. 

Kapag hindi nanalo ang incumbent US President na si Joe Biden na ngayo’y 81 years old na – siyempre mag-a-adjust din ng approach ang Pilipinas. Tulad nang nakita sa panahon pa ni US President Ronald Reagan – kahit si Donald Trump pa (na nangununa sa Republican nomination race) ang makasungkit ng korona – kaibigan din ng Republicans ang pamilyang Marcos. Paano ito makaaapekto sa West Philippine Sea issue? Hindi siguro kalakihan. Pero paano nito babaguhin ang asta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin ng human rights, peace process, at demokrasya? ‘Yan ang problema sa pagbasa sa isang transactional politician.

Pero kapag kumandidato at nanalo si Trump, malinaw na setback ito para sa mga lumalaban sa doomsday na epekto ng climate change. Maaga pa lang sa kanyang ambisyon 2024, sinabi na niyang hindi niya tutuparin ang mga pangako ng Biden administration sa COP28.

Sa Taiwan naman, ibang usapin kapag manalo ang kandidatong pabor sa mas malapit na relasyon sa Tsina. Habang huhupa ang tensiyon sa pagitan ng superpower at inaangkin nitong isla, lalakas ang kapit ng Tsina sa buong rehiyon kapag nag-deescalate ang situwasyon sa pagitan ng Tsina at Taiwan. Magmimistula bang Hong Kong ang Taiwan kapag nakontrol ng Tsina ang pulitika sa isla? Hindi malayo. At lalong magiging mahalaga ang papel ng Pilipinas sa dati nitong colonial master na Estados Unidos sa Pacific.

Sa Indonesia, binabantayan ang magiging successor ni Joko “Jokowi” Widodo, na impluwensiyal na boses sa rehiyon sa panahon ng kanyang termino. Mahalaga ang kooperasyon sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas sa pagsusulong ng mga hakbang na sasalag sa agresyon ng Tsina sa South China Sea.

Taon ng ChatGPT ang 2023, at kung nagulantang ang mga tao sa generative AI, prediksyon ng ilang mga news sites na ang 2024 ang taon na magme-mental shift ang mga tao, gobyerno, at pangangalakal upang samantalahin ang bentahe ng nakagigimbal na teknolohiya.

Walang umaasang magbabago ang palubog nang X sa kumunoy na kinasadlakan nito dahil sa may-ari nitong si Elon Musk. Pero habang walang alternatibong sisikat, magpapatuloy ang disinformation at kawalan ng makabuluhang talakayan sa social media.

Dumako naman tayo sa lokal na pulitika. Pinakatampok ang pag-ikot ng gulong ng palad ng mga Duterte.

Saksi tayo sa tumitinding iringan sa pagitan ng kampo ng mga Marcos (pangunahin na ang pinsan ng Pangulo na si House Speaker Martin Romualdez) at ang kampo ng mga Duterte. Fearless forecast: lalo lamang iigting ang war of political dominance sa pagitan ng mga Marcos at Duterte sa harap ng papalapit na eleksiyon. (BASAHIN: The tide turns: Key moments in Philippine politics in 2023)

Kakabit na isyu ang pagpasok ng International Criminal Court sa eksena – nitong 2023, nakita natin ang mga alyado ni Speaker Romualdez na nagtutulak ng pakikipag-cooperate ng Kamara sa ICC kaugnay ng drug war ni Duterte at Davao Death Squad. Sabi pa ni Marcos, pinag-aaralan na ang pagbabalik ng Pilipinas bilang miyembro ng ICC (nag-hyperventilate ka ba, Digong?). Tila natuwa pa ang liderato ng Kamara nang magsampa ang Minority ng kaso laban sa nakatatandang Duterte. (Hindi namin matandaan ang huling pagkakataong pinuri o dinepensahan ng isang speaker ang Makabayan bloc.) Andiyan din ang pag-iimbestiga ng Lower House sa Sonshine Media Network (SMNI) na pag-aari ng kumpare ni Rodrigo Duterte na si Apollo Quiboloy. Ang dating nasa ibabaw, ngayo’y tila nasa ilalim.

Kamusta naman ang ekonomiya ng Pilipinas sa 2024? Bumaba ang kahirapan sa Pilipinas sa 22.4% mula sa 23.7% noong nakaraang dalawang taon. Kung ganito kabagal ang pag-translate ng pag-unlad o ‘yung tinatawag na trickle-down, aba’y hindi natin mararamadaman ‘yan sa 2024. Same-same lang. (Basahin dito kung gaano kabagal ang poverty alleviation sa bansa.)

Kaya, we’re not holding our breath na matutupad ang mga pangako ni Pangulong Marcos noong una niyang SONA. Magsi-single digit daw ang poverty rate pagdating ng 2028? Do the math. Isama na riyan ang P20/kilo na bigas – isa pa rin ‘yang panaginip.

Ngayong nagta-transition tayo mula sa 2023 patungong 2024, mailap ang optimism. Dalawang malupit na giyera ang nagpatulala sa atin nitong nakaraang taon – ang isang giyera ay kumitil ng tinatantiyang higit 23,000 na buhay (kasama ang Israeli death count noong Nobyembre 7) sa loob ng tatlong buwan. Nangangapa pa rin ang karamihan paano pangangalagaan ang katinuan at katotohanan sa harap ng AI at disinformation. Mabagal na mabagal ang pag-ahon sa kahirapan ng mga Pilipino. Paliit nang paliit ang kumot ng demokrasya. May learning poverty pa. Sa Western Visayas, nagbabantang magpatuloy ang power crisis.

May tradisyonal na bati kapag bagong taon: “Manigong Bagong Taon.” Pero bihira na nating marinig ito. Sa halip na umasam ng kasaganahan, mas maraming bumabati ng “Happy New Year.” Tila mas madaling maging masaya kaysa maging masagana ngayon. 

Pero sa kabila niyan, may mga blessing pa rin na puwedeng bilangin. Nakalaya na si Leila de Lima nitong 2024. May peace talks na muling binubuksan. May kriminal na kaso nang naisampa laban sa palamura at misogynist na dating pangulo. At hindi natuloy ang confidential funds ng anak ng mismong dating pangulo na talaga namang walang karapatang makakuha nito. Nakakapagbiyahe nang muli ang mga tao at naibsan na ang claustrophobia ng pandemic years. Pinag-uusapan na sa isang top United Nations court ang isyu kung genocide ba ang ginagawa ng Israel.

Kaya’t bilangin natin ang mga biyaya, pero mas lalo nating bilangin at bantayan ang ating mga kalayaan: ang kalayaang umibig regardless of gender; ang kalayaang tumuligsa at magsalita; ang kalayaang mamahayag. Tandaan natin na pundasyon ng mga kalayaang iyan ang isang malusog na demokrasya. Happy New Year! – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/recap-2023-highs-lows-forecasts-new-year-2024/feed/ 0 animated-2024-fearless-forecast https://www.rappler.com/tachyon/2024/01/animated-2024-fearless-forecast-carousel.jpg