Larry Gadon

[VIDEO EDITORIAL] Insulto si Gadon sa maralita, propesyonal, at burukrasya

Rappler.com
[VIDEO EDITORIAL] Insulto si Gadon sa maralita, propesyonal, at burukrasya
Bukod sa bastos si Gadon, ano ba credentials niya sa poverty alleviation?

Nitong linggo, nag-isang taon na sa puwesto si Ferdinand Marcos Jr. bilang presidente ng Pilipinas. 

Pero ang tumampok sa makasaysayang yugto ay ang appointment ni Larry Gadon bilang presidential adviser on poverty alleviation. 

Presidente Marcos, ito ba talaga ang handog mo sa mga Pilipinong nagluklok sa iyo? 

Si Gadon – na na-disbar ng Korte Suprema sa isang unanimous decision? Narito ang isang taong isinusuka ng kanilang propesyon – aba’y na-appoint pa? 

Nakakademoralisa rin ito sa burukrasya dahil ginagantimpalaan ang masamang asal.

Bukod sa bastos si Gadon, ano ba credentials niya sa poverty alleviation? 

At higit sa lahat, tulad ng sinabi ni Winnie Monsod, insulto ang appointment ni Gadon sa mahihirap.

Ganyan ba kababa ang tingin ng Pangulo sa mga mahihirap? At ano ba ang isa sa pinakatampok na problema ng Pilipinas na kakabit ng napakaraming isyu? Hindi ba’t KAHIRAPAN? 

Pangulong Marcos, magkakaugnay lahat kaya’t di namin lubos maisip ano’ng ipinakain sa ‘yo ni Gadon at ginawaran mo siya ng karangalang maging bahagi ng game-changing solution -kung meron man- sa problema ng karalitaan. 

Ano ang alam ni Gadon sa social reform agenda? Puwede bang murahin, alipustahin, at talakan ang kahirapan hanggang ito’y maglaho?  — Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Insulto si Gadon sa maralita, propesyonal, at burukrasya

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!