PAMPANGA, Philippines – Sa San Fernando, Pampanga, matatagpuan ang OFW Hospital, ang unang ospital sa Pilipinas na ekslusibong naglilingkod sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at ang kanilang mga pamilya.
Nagbukas ang ospital noong Mayo 2022 upang “kilalanin ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga Pilipinong migranteng manggagawa, at mapaginhawa ang kanilang mga problemang pangkalusugan.”
Maaliwalas at malinis ang ospital – masasabing malayo sa isang tipikal na pampublikong ospital sa bansa. Para nga naman ito sa mga itinuturing “bagong bayani” ng gobyerno. Higit 46,000 na pasyente na ang natulungan ng OFW Hospital.
Pero maraming kama na hindi nagagamit. May mga gamot at procedure din na kailangan pang hanapin ng mga pasyente sa labas.
Handa kaya ang OFW Hospital at ang Department of Migrant Workers na tugunan ang mga inaasahan dito?
Panoorin ang report ni Michelle Abad. – Rappler.com
Reporter: Michelle Abad
Production specialist: Errol Almario
Producers: JC Gotinga and Nina Liu
Editor: Jaene Zaplan
Supervising producer: Beth Frondoso
How does this make you feel?